PNP nanatiling nakaantabay sa sitwasyon sa Bula, Camarines Sur matapos ang engkwentro kahapon

NAGA CITY- Nanatiling nakaantabay ang Bula Municipal Police Station sa kanilang komunidad matapos ang engkwentro sa Barangay Caorasan.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ. Rolando Kalungi Jr, aniya nasa 1,000 metro naman ang layo nito sa mga kabahayan pero, rinig na rinig ang putukan at pagsabog dahil sa terrain ng lugar, napapaligiran ng bundok. Kahapon kaagad na nagkaroon ng checkpoint sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng PNP Bicol , umabot sa 20-minuto ang palitan ng putok ng mga military at tinatayang 15 na mga rebelde.

Una nang sinabi ng 9th Infantry Division Phil. Army na walang casualty sa hanay ng gobyerno at walang nadamay na sibilyan, dalawang Anti-Personnel Mines (APMs), mga bala, magazine at mga propaganda materials ang narekober sa lugar ng pinangyarihan.

Ang bayan ay isa rin sa mga dinarayo tuwing summer season, wala aniyang banta sa ngayon, nakaalerto naman ang mga pulis at sundalo sa lugar ayon pa sa hepe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *