PNP, nirerespeto ang hatol na guilty laban sa pulis na nang-torture kina Kulot

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi nila kokonsintehin ang mga tiwaling pulis at umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

Ito ay makaraang hatulan ng guilty at two terms ng panghabambuhay na pagkakakulong si Police Officer 1 Jeffrey Perez, hingigl sa pagpatay sa mga teenagers na sina ex-UP Student na si Carl Angelo Arnaiz; at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.

Ayon kay PNP public information office chief Col. Red Maranan, dapat na raw itong magsilbing babala sa iba pang mga pulis na gumagawa ng mga kamalian.

Aniya, hindi nila ito-tolerate ang mga kamalian ng kanilang tauhan – sinadya ‘man, ‘o hindi.

Sa huli, tiniyak ni Maranan na nirerespeto nila ang desisyon ng Korte.
#

PAO, umaasang magsisillbi nang paalala sa mga tiwaling pulis ang conviction nina PO1 Perez

Diskumpyado ang Public Attorneys’ Office (PAO) na babayaran ng convicted patrolman ang P2Million na pinababayad ng Korte para sa pagpatay sa dalawang teenagers sa kasagsagan ng madugong kampanya laban sa iligal na droga ng nagdaang administrasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni PAO chief Atty. Persida Acosta na naniniwala siyang ‘hindi afford’ ng akusado ang danyos na pinababayad ng Korte.

Sa ilalim kasi ng desisyon, maliban sa two terms ng reclusion perpetua ay pinagbabayad din si Perez ng P1Million para sa moral damages; at karagdagang P1Million para sa exemplary damages.

Ayon kay Acosta, wala na raw kasing trabaho si Perez.

Sa huli, nanindigan si Acosta na dapat na itong magsilbing babala sa mga pulis na inaabuso ang kapangyarihan sa mga sibilyan.
#

RELATED STORY:

2 Pulis na sangkot sa pagkamatay nina ‘Kulot’, hinatulan ng guilty

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *