PNP personnel kabilang sa mga bagong nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud, bilang ng mga tinamaan ng sakit sa naturang bayan umabot na sa 222

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 222 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte makaraang makapagtala ng panibagong kaso kahapon na kinabibilangan ng isang PNP personnel.

Ang PNP personnel na nagpositibo sa sakit ay isang 31 anyos na lalake mula sa Barangay Poblacion 2.

Wala itong travel history at hindi rin alam kung paano nahawa ng sakit.

Una itong nakaranas ng sintomas noong October 4.

Maliban sa PNP personnel nagpositibo rin sa sakit ang isang 26 anyos na babae mula sa Barangay San Felipe na mayroong travel history sa Albay.

Ang mga bagong nagpositibo sa sakit ay kasalukuyang nagpapagaling sa Basud Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF).

Mayroon naman ngayong 25 na aktibong kaso at 180 ang gumaling.

Umakyat na rin ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na umabot na sa 17.

Isa ang Basud sa may mataas na kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte at nitong Linggo lang ay nakumpirmang mayroon na ring variant ov concern.

Ito ay makaraang magpositibo sa Delta variant ang isang 11 anyos na bata na nakarekober na sa sakit noong Setyembre.

Batay sa case bulletin ng LGU, sa 29 na barangay sa naturang bayan ay dalawa na lang ang wala pang naitatalang kaso ng sakit, ito ay ang Binatagan at San Jose.

Nagdagdag na rin ng pasilidad ang LGU na pinagdadalhan ng mga close contact.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *