PNP pinag-aaralan ang identity ng ‘POI’ sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid

Patuloy ang pagsisikap ng Philippine National Police na mapag-aralan ang identity ng lalaking itinuturing na person of interest sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Kaugnay nito ay inilabas ng PNP ang CCTV footage kung saan makikita sa ilang anggulo na sinundan ng lalaki sa video sakay ng motorsiklo si Lapid hanggang sa makarating ito malapit sa kanyang bahay sa Las Piñas city.

Ayon sa report, nakipag-ugnayan na din ang PNP sa kinauukulan para matukoy kung kanino nakapangalan ang ginamit na motorsiklo ng lalaki sa CCTV dahil posibleng matukoy dito ang pagkakakilanlan nito

Matatandaan na unang kinumpirma ng PNP na natukoy ang plate number ng motorsiklong nakita sa CCTV pero hindi muna nila ito inilalabas para hindi mabulabog ang kanilang imbestigasyon.

Una nang umapela si DILG Sec. Benhur Abalos sa publiko na makipag-ugnayan sa pulisya kung mayroong mga impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan sa mga suspek.

Aabot naman sa P1.5-Million pabuya ang naghihintay sa sinumang makakapagturo sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *