PNP, pinaiimbestigahan na ang ‘armed security personnel’ sa Masungi Georeserves

Umapela ang pamunuan ng Masungi Georeserve sa mga kinauukulan na kaagad maresolba ang isyu hinggil sa ‘di umano’y pagookupa ng mga armadong grupo sa protected areas nito.

Matatandaang kahapon nang madiskubre ng mga Kapulisan ang matataas na kalibre ng baril mula sa kalalakihang pinadala umano ng isang security agency na nago-okupa sa Masungi Georeserve sa Rizal.

Ayon sa cofounder ng foundation at trustee ng protected area na si Ann Dumaliang, malinaw itong trespassing at maituturing na paglabag sa National Integrated Protected Areas System Act of 1992.

Nanawagan ang grupo na sa DILG, mga Kapulisan, at sa Pangulo na kaagad mapaalis at mapanagot ang mga private security men na nananatili sa area.

Sa hiwalay na pulong balitaan, sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones na iniimbestigahan na nila ang naturang insidente.

Mayroon din aniyang parallel investigation ang PNP hinggil dito.

Sa kabila nito, sinabi ni PNP chief Rodolfo Azurin na duda siya sa inisyung perpetual land trust kaya dapat daw itong maimbestigahang mabuti.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *