Pinalakas ng Philippine National Police ang kanilang segusridad sa transportation systems sa bansa kasunod ng Hoax Bomb Threat sa MRT-3 sa pamamagitan ng isang email kahapon.
Sa isang pahayag ngayong araw, sinabi ng Pambansang Pulisya na sineseryoso nila ang ganitong banta dahil na rin sa panic na idinulot nito sa publiko.
Kasalukuyan din nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP upang matukoy ang mga indibidwal na nasa likod ng malisyosong email.
Pinaalalahanan naman ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang publiko na iwasang mag-post at magbahagi ng di beripikadong impormasyon upang maiwasan ang panic.