PNP probe vs ‘under the table’ sale ng COVID-19 vaccines slot

Inatasan na ang Philippine National Police na imbestigahan ang umano’y “under the table” na pagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na nakatanggap sila ng mga reports, kaugnay sa naturang anomaliya.

Giit ni Malaya, ang mga bakuna na binili ng gobyerno ay ibabakuna nang walang babayaran ang mga indibidwal at hindi maaring ibenta.

Dagdag nito, ang sinuman na magbebenta ng biniling bakuna ng gobyerno ay paparusahan sa ilalim ng batas.

Mababatid na ang ilang screenshots sa umano’y “under the table” na pagbebenta ng COVID-19 vaccines ay nag-viral sa social media, kung saan nakakuha umano ang ilang indibidwal ng vaccination slots sa ilang mga LGUs sa halagang P8,000 hanggang P12,000.

Kaugnay nito, nabanggit pa ang Mandaluyong at San Juan sa naturang mensahe. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *