PNP sisilipin ang iba pang miyembro matapos masangkot sa illegal drugs ang isang police intel

Mag-iimbestiga ang Philippine National Police (PNP) kung marami pang pulis ang dawit sa illegal drug trade, kasunod ng pagkakaaresto ng isang intelligence officer sa big buy-bust operation sa Manila.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na isa sa kanilang mga inaasahan na ibinunyag ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, na ibunyag o tumulong siya sa pagtukoy ng ibang kasamahan niya kung meron pa man.

Giit ni Azurin, wala silang pakialam kung hanggang saan ang aabutin ng imbestigasyon na ito.

Nabatid na si Mayo ay intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group, batay sa police records, pero ngayon ay hindi pa ito nagbibigay ng pahayag.

Nitong weekend, nang makumpiska ng mga otoridad ang 990 kilo ng suspected shabu na nagkakahalaga sa mahigit P6.7 billion kasunod ng sunod-sunod na anti-drug operations sa Manila sa loob lang ng isang araw.

Ito umano ang pinakamalaking nakumpiska nila sa kasaysayan ng Pilipinas sa anti-illegal drug operation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *