Patuloy na tinitiyak ng Philippine National Police ang kanilang agresibong kampanya laban sa operasyon ng e-sabong sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. na ang pagiging agresibo sa kampanya laban sa online sabong ay alinsunod sa atas ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr.

Nagbabala na rin si Acorda sa lahat ng commanders na sila ang mananagot kung sakaling maging talamak ang online sabong sa kanilang nasasakupan.
Katumbas aniya ng kapabayaan kapag namayagpag ang iligal na sugal sa kanilang area of responsibility.