PNP, tiniyak na hahanapin ang nawawalang sabungero sa kabila ng pag-atras ng kaso

Muling tiniyak ng Philippine National Police na hahanapin nila ang mga nawawalang sabungero sa kabila ng pag-atras sa kaso ng pamilya ng anim sa mga ito.

Ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., may mga tracker teams nang ipinakalat para hanapin ang mga sabungero. Posibleng din aniyang magpatawag ng conference kasama ang mga pamilya ng suspek upang makakuha ng lead sa kinaroroonan ng mga ito.

Sa ulat, ang mga pamilyang binawi ang isinampang kaso ay ang pamilya nina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, at magkapatid na James Baccay at Marlon Baccay.

Maaalalang naghain ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang DOJ sa Manila RTC laban sa anim na security officers sa Manila Arena.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, tutuloy pa rin ang kaso at ang korte na ang bahalang magdesisyon kung bibigyan ng diin ang pagbawi ng mga pamilya mula sa naturang mga kaso.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *