PNP tinukoy na ang 5 suspek sa isa pang hazing incident na ikinasawi ng isang estudyante ng University of Cebu

Tinukoy na ng pulisya ang 5 suspek sa isa pang hazing incident na ikinasawi ng isang estudyante ng University of Cebu.

Ayon sa Cebu City police , limang fraternity officials ang tinukoy na suspek sa pagkamatay ni Ronnel Baguio dahil sa hazing noong December 2022.

Ayon sa pulisya, nakahanap sila ng dalawang saksi sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa insidente, kabilang ang miyembro ng fraternity na nag-recruit umano kay Baguio.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong pagpatay at paglabag sa anti-hazing law.

Batay sa death certificate ni Baguio, namatay ito dahil sa Severe Acute Respiratory Distress Syndrome Secondary to Indirect Lung Injury, Acute Kidney Injury secondary to Rhabdmyolosis, at Acute Kidney Injury secondary to Rhabdomyolosis.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *