PNP – Wala nang checkpoints sa NCR sa ilalim ng Alert Level 4

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na walang nang itatayong mga checkpoints sa National Capital Region sa oras na magshift na sa Alert Level 4.

Ayon kay Eleazar, ang kanilang deployment ay tututok sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.

Binigyang diin naman ng PNP chief na ang pagpapatupad ng granular lockdowns ay hindi na bago sa PNP, dahil may 50 areas na sa Metro Manila na kasalukuyang nasa ilalim ng restrictive measure.

Mababatid na ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 4 — ang ikalawang pinakamataas na alert level sa bagong scheme — ay ang may mga infections na mataas o tumataas, habang ang total beds at ICU beds ay may mataas na utilization rate.

Sa ilalim ng naturang alerto, hindi papayagang makalabas ang mga may edad 18-taong gulang pababa at 65-taon gulang pataas, may mga immunodeficiencies, comorbidities, o iba pang health risks, at mga buntis, bagama’t papayagan na makabili ng essential goods at services, o magtrabaho sa permitted industries at offices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *