PNP, wala pang namo-monitor na seryosong banta ngayong Holiday Season

Muling tiniyak ni Philippine Naitonal Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo na handang-handa na sila para sa pagpasok ng Holiday season.

Ayon kay Fajardo, all-set na ang mga tauhan ng PNP para sa mga inilatag nilang security measures at contingency plans para sa Kapaskuhan.

Sa kasalukuyan, wala pa umano silang natatanggap na mga seryosong banta o credible threats na maaaring makagulo sa paggunita ng Pasko.

Sa kabila niyan, nanindigan si Fajardo na hindi sila magpapakakampante at sisiguraduhin pa rin ang mataas na police visibility lalo na sa mga matataong lugar.

Nagbigay din ng payo ng opisyal sa publiko na maging vigilant, at kaagad na mag-ulat sa kinauukulan sakali mang may mga kahina-hinalang kilos sa paligid.

Bago ito, una nang kinumpirma ni Fajardo ang pagde-deploy ng nasa anim na libong mga ‘tourist trained’ na mga personnel sa mga tourist spots.

Mababatid na simula December 15 hanggang January 10, ipatutupad na ng PNP ang ‘no-leave’ policy para sa kanilang mga tauhan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *