PNP, winelcome ang magandang rating sa kanila ng publiko batay sa isang survey

Ikinatuwa ng Philippine National Police ang resulta ng OCTA Research survey kung saan karamihan sa mga Pilipino ay nagtitiwala at satisfied sa performance ng ahensya.

Sa pinakabagong “Tugon ng Masa” survey, nakitang 80% ng mga Pilipino ang nagsabing may tiwala sila sa hanay ng kapulisan sa bansa.

Bukod dito ay nakakuha rin ang PNP ng approval rating na 79%.

Ayon sa PNP, wine-welcome nila ang kinalabasan ng naturang survey.

Manifestation umano ito ng tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino para sa mga pulis sa pagpapanitili ng peace and order.

Dagdag ng ahensya na, ipinakikita ng resulta ang dedikasyon sa trabaho ng bawat pulis sa kabila ng kaliwa’t kanang mga issue na kinahaharap ng PNP. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *