PNR naalarma sa mga aksidente sa tren biyaheng Naga-Albay; dialogo sa mga opisyal ng barangay nagpapatuloy

NAGA CITY- Nakakaalarma ang Philippine National Railways sa ilang mga aksidenteng naitala partikular na sa rutang Naga patungong Albay  at ckaugnay ito ginagawa ngayong ang dialogo sa pagitan ng PNR at mga barangay.

Pinangungunahan ni PNR  Officer-In-Charge General Manager, Atty. Celeste D. Lauta ang pakikipag-usap  sa mga barangay at lokal na pamahalaan na nasabing ruta mula pa nitong Hunyo 25 at magtatapos bukas Hunyo 28, 2024. Layunin nito na masolusyunan at maiwasan ang mga aksidente sa riles at talakayin ang isyu ng right-of-way ng PNR sa mga ruta nito sa Bicol Region. Kasama pa sa tinatalakay ang mga ginawang crossings na walang pahintulot mula sa PNR. 

Nitong buwan lamang  nabanga ng tren ang isang tricycle sa Camalig, Albay. Sa Baao , Camarines Sur naman nabangga ang brand new pick up.

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Libmanan Chief of Police PLTCOL. Alex Peñafiel, nilinaw sa kanila ang patakaran ng PNR sa paghohold ng driver ng tren kung sakaling nasasangkot ito sa aksidente, mayroong marshal ang PNR   na makikipag-ugnayan sa pamilya at sa otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *