PNVF, ikinatuwa ang performance ni Souza

Ikinatuwa ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara sa trabaho na nagawa ni Jorge Edson Souza de Brito, na Braziliant consultant na kinuha para sa Philippine women’s national team program.

Na-assign si Souza de Brito sa FIVB para hawakan ang national team sa Mayo.

Pero nitong buwan lamang ay siya ang nanguna sa batang team ng Rebisco sa Asian Women’s Club Volleyball championships sa Thailand.

Bigo ang nasabing team, na binubuo ng mga batang players, na manalo sa kahit isang laro sa club competition.

Gayunman, ikinatuwa ng federation ang klase ng experience na nakuha ng mga players.

Ipinunto ni Suzara na ipinakikita na ni Souza de Brito ang kahusayan nito kahit ilang buwan pa lang ito sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *