Pasok sa national team pool ang lahat ng 16 na manlalaro na nagpartisipa sa tryouts para sa women’s national volleyball team noong nakaraang buwan, base sa listahan na inilabas ng volleyball federation ng bansa noong Miyerkules.
Ipapasa naman ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang listahan ng 16 na manalalaro na tinukoy nito sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Olympic Committee.
Gayunman, plano nila na dagdagan pa ng 4 na volleyball players ang pool, na tutukuyin naman ni incoming Brazilian head coach Jorge Edson Souza de Brito, na may koordinasyon kay coach Odjie Mamon.
Matatandaan na nasa 16 lamang mula sa 40 manlalaro na inimbitahan ng PNVF ang dumalo sa tryouts sa Subic noong April 28.
Ilan lamang sa high profile players na umatras sa try-outs dahil sa health at safety concerns ay sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Kim Fajardo, at Dawn Macandili.
Ipinunto naman ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara na ikokonsidera pa rin nila ang mga players na hindi nakadalo sa try-outs para sa huling apat hanggang anim na slots sa national team pool.
Kabilang sa national team pool ang mga sumusunod:
Setters
Outside Hitters
Opposites
Middle Blockers
Liberos
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…