POC , nais ng mas mahigit na selection process sa mga atletang isasabak Asian Games

Nais ngayon ng Philippine Olympic Committee na maghigpit sa seclection process sa magiging komposisyon ng mga atletang isasabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ayon kay POC president Abraham Bambol Tolentino, ang komposisyon ng delegasyon sa China continental sports fest sa September 23 hanggang October 8 ay nakasalalay sa gold-medal tally sa katatapos lang na 32nd Southeast Asian Games.

Ikokonsidera rin daw ng POC ang pagsali ng mga atletang naka kuha ng silver medals.

Maaari rin umanong payagan ang mga non-performing National sports associations na subukan ang kanilang swerte sa Asian Games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *