Nagpadala na ng apela ang Philippine Olympic Committee (POC) sa International Olympic Committee (IOC) para sa pagsali ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao sa Paris Olympics sa pamamagitan ng universality principle.
Patuloy na umaasa ang POC at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na makakuha ng exception sa Olympic qualifying tournaments dahil lampas na siya sa age limit na 40.
Ito rin ang kaparehong rason kung bakit hindi na-qualify si Pacquiao sa kakatapos lang na Asian Games.
Ayon kay ABAP secretary-general Marcus Manalo, nanatili silang “hopeful” ngunit kailangan rin nilang i-manage ang expectations nila sa pag-konsidera ng IOC.