Poe, pinamamadali sa mga telcos ang registration sa natitira pang 146M SIMs

Pinamamadali ng Senate public services committee sa mga telecommunications companies (telcos) ang registration sa mga Subscriber Identity Module (SIM) ng mga mobile users.

Sa ngayon, nasa 146 million SIMs pa ang nananatiling unregistered, tatlong buwan bago ang deadline.

Ginawa ni Sen. Grace Poe, committee chairperson, ang naturang panawagan matapos na iulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na as of Jan. 18, 2023, kabuoang 22,298,020 SIMs pa lamang ang matagumpay na narerehistro.

Ang naturang bilang ay kumakawatan sa 13.2 percent ng kabuoang 168 million active SIMs as of September 2022.

Si Poe ang author at sponsor ng Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act.

Samantala, sinabi ng senadora na ang mas mahigpit na kordinasyon sa mga telcos, local government units at iba pang kinauukulang ahensya ay magbibigay sa mga SIM users ng mas magandang paraan na marehistro ang kanilang SIM at mapabilis ang signup drive.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *