Poe: PUV modernization, dapat i-suspend kasunod ng alegasyon ng ‘lagayan’ sa LTFRB

Naniniwala si Senate Committee on Public Services Chairperson, Senator Grace Poe na dapat lang maging “progressive”, “just” at “humane” ang pagsasagawa ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan ang senadora na pansamantala munang suspendihin ang pagpapatupad nito habang inaalam pa ang katotohanan sa likod ng alegasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Poe, importanteng mapanagot ang mga opisyales na mapapatunayang nagkasala sa batas.

Samantala, umaasa naman ang senadora na mas maisasaayos pa ng gobyerno ang plano tungkol sa modernization program habang patuloy pang iniimbestigahan ang mga sangkot sa alegasyon.

Maalala, sinuspinde na kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa serbisyo si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz dahil sa kinahaharap nitong alegasyon sa korapsyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *