Poland, pinagkalooban ng humanitarian visa ang isang Belarusian Olympic sprinter na tumangging umuwi sa kanilang bansa

Nakatanggap ang Belarusian sprinter na si Kristina Timanovskaya ng humanitarian visa mula sa Poland, matapos nitong tumanggi na mag-board sa kaniyang flight paalis ng Japan.

Ito ay matapos sabihin ng naturang atleta na pinipilit siyang umuwi sa kanilang bansa, kung saan ay inaasahan niya na aarestuhin siya ng mga otoridad.

Sinabi ng Foreign Affairs Ministry ng Poland na gagawin ng kanilang bansa ang lahat ng kinakailangan upang matulungan si Kristina na maipagpatuloy ang sporting career nito.

Samantala, base naman sa ilang international reports ay namataan si Kristina na pumasok sa Polish Embassy.

Noong Linggo, ay sinabi ng Belarus Sports Solidarity Foundation, na nagrerepresenta sa mga atleta na nakakaranas umano ng pang-aabuso mula sa mga otoridad ng kanilang bansa, na mula sa Haneda Airpot ay dinala ang 24-anyos na Olympic athlete sa isang special shelter kung saan ay ligtas ang lagay nito kasama ang mga pulis.

Mababatid na dapat ay lalahok si Kristina sa women’s 200 meters sa Tokyo Olympics noong Lunes, ngunit pinilit umano siya ng mga kinatawan ng Belarus national team na pauwiin siya sa kanilang bansa matapos niyang batikusin ang national sports authorities dahil sa pagpapasok sa kaniya sa 4×400 meter relay nang hindi siya sinasabihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *