Pole vaulter EJ Obiena, sasailalim sa knee surgery

Sumailalim si Pole vaulter EJ Obiena sa knee surgery sa Germany.

Ayon sa kanyang legal spokesperson na si Bobbet Bruce, ang Olympian ay sumailalim sa arthroscopic surgery para i-repair ang maliit na meniscus tear sa kanyang kaliwang tuhod.

Wala naman umanong ideya si Obiena kung saan at kailan niya ito nakuha.

Sinabi naman ni Bruce na pwedeng makapagsanay si Obiena at maka-compete kahit may injury, pero itinuloy ng kanyang kampo ang surgery para maiwasan ang anumang komplikasyon sa hinaharap.

Ang surgery kay Obiena ay ilang linggo bago ang planong paglahok nito sa Init Indoor Meeting sa Karlsruhe, Germany na itinakda sa January 28, na pagsisimula naman ng abalang 2022 parasa world no. 6 pole vaulter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *