Polical asylum bid ni Teves, pag-abanduna sa tungkulin sa Kamara – House Ethics Panel

Nanindigan ang House Ethics Committee na hindi pa rin nila papayagan ang virtual attendance ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves sa magiging meetings at pagdinig ng Kamara.

Ayon sa chair ng panel na si COOP NATCCO party-list Rep. Felimon Espares – mahalagang maging present si Teves sa magiging deliberation ng Kumite sa kapalaran ng Kongresista sa Kamara.

Aniya, ang hiniling daw kasing political asylum ni Teves ay isang malinaw na indikasyong inabanduna na niya ang kaniyang sinumpaang tungkulin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Paliwanag ni Espares – nang mangako’t manumpa si Teves sa Republika ng Pilipinas, pinakakahulugan nitong susunod siya sa kaniyang mga responsibildiad at sa mga kinauukulan.

Sa ngayon, bagamat ikinokonsidera pa rin na miyembro ng Kamara si Teves, mayroon pa ring due process na paiiralin ang Kongreso sa sasapitin ng mambabatas.

Kung maalala, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na maaaring magpataw ng karagdagang disciplinary actions ang Kamara sa oras na ‘di pa rin humarap si Teves sa Pilipinas.

Nakatakda na ring mapaso ang 60-day suspension ni Teves sa May 22. // edited MHEL PACIA via LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *