Police harassment sa naulila ng nagpakamatay na onion farmers, pinaiimbestigahan na

Nagbigay na ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga regional at provincial offices nito na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y “harassment” ng ilang mga pulis sa mga magsasaka ng sibuyas sa Pangasinan.

Ayon sa ahensya, ipinag-utos na ni DILG Secretary Benhur Abalos sa DILG Region 1 at DILG Pangasinan na magsumite ng ulat tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng mga pulis sa Bayambang.

Dagdag ni Abalos, mataas ang respeto nila sa mga magsasaka sapagkat mahalaga ang papel na ginaganapan ng mga ito sa seguridad ng pagkain at maayos na nutrisyon sa bansa.

Dahil dito, asahan na raw na kaisa ang DILG sa adhikain ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., para sa sektor ng agrikultura, kasama na ang pagtutok sa mga programang ikauunlad at aalalay sa mga magsasaka.

Samantala, una nang naglatag ng order si Ilocos Police Regional Office (PRO-1) director BGen. John Chua sa PPO ng Pangasinan na imbestigahan ang insidente, at siniguro na rin ni Pangasinan Provincial Police Office (PPO) dir. Col. Jeff Fanged na susulong ang imbestigasyon na kinasangkutan ng kaniyang mga opisyal.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *