Police stations at MDRRMO, nakahanda na sa pagdagsa ng mga turista ngayong summer season – Albay PTCAO

Tiwala ang Albay Provincial Tourism and Culture and Arts Office (PTCAO) na may mga paghahanda na rin ang bawat police station at Municipal and Cities Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagdagsa ng mga turista sa ngayong nalalapit na ang summer season.

Ito ang inihayag ni PTCAO head Dorothy Colle, sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon sa kanya, bago pa man dagsain ng mga turista ang mga lugar tulad ng beach resort sa lalawigan ay may mga seminar at trainings nang ginagawa ang mga ito.

Layunin nitong matukoy na ang mga scenario o posibleng hindi inaasahang mangyari sa lugar nang sa gayon ay mabilis na makakatugon ang mga otoridad.

May mga ilalatag na rin ang mga kapulisan, barangay police o tanod, MDRRMO personnel at ambulansya sa mga lugar na kinakailangan at matiyak din ang kaligtasan ng mga turista laban sa mga terorista. Sinabi ng opisyal, ang west coast at east coast area ay magkakaroon ng pagdami ng turista sa mga lugar ngayon napapalapit na summer season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *