Police visibility tiniyak ng PNP Camarines Sur kasunod ng pamamaslang sa ilang mga opisyal ng gobyerno  sa bansa at kaligtasan ng publiko

NAGA CITY- Tiniyak ng Camarines Sur Police Provincial Office ang police visibility sa bawat komunidad sa lalawigan, ito ay kasunod ng pamamaslang sa ilang halal na opisyal sa bansa at para sa kaligtasan ng publiko.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Provincial Director PCOL. Julius Cesar Domingo, sinabi nitong sa ngayon wala namang elected o appointed official na humingi sa kanila ng seguridad magkagayun man ay nakamonitor ang PNP.

Papaigtingin ng pukusya ang dati nang police visibility sa tulong ng bawat municipal police station.

Matatandaan na napatay ng aramadong kalalakihan si  Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Sabado March 4, 2023 at nadamay ang ilang sibilyan.

Una pa rito ang pananambang sa grupo ni Aparri Cagayan  Vice Mayor Rommel Alameda sa bahagi ng Bagabag, Nueva Vizcaya. Sugatan naman si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto-Adiong Jr. at si Datu Montawal , Maguindanao Del Sur Mayor Ohto Montawal sa magkahiwalay na insidente ng pananambag. Patay naman sa pamamaril ang Barangay Kapitan ng  San Carlos, Lipa, Batangas  na si Vivencio Palo.

Nauna nang ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pagpapaigting ng presensya ng mga pulis sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *