‘Political plans ni pangulong Duterte, di kasama sa kanyang huling SONA’

Hindi umano maisasama ang planong politikal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Adress (SONA) sa June 26.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperon Harry Roque matapos ang pahayag ng pangulo na bukas syang tumakbo sa pagka bise presidente sa 2022 makaraang pilitin ng kanyang mga kaalyado sa PDP-Laban.

Sinabi ni Rpque na ang importante ay ang roadmap ng presidente sa kanyang huling taon ng panunungkulan.

Una nang sinabi ng kalihim na magfo-focus ang huling SONA ng pangulo sa mga kinakailangang measures para magkaroon ng progreso ang bansa.

Sesentro umano ang SONA sa social programs, infrastracture, peace and security, at foreign policy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *