Poll body, tiniyak ang proteksiyon sa mga tetestigo laban sa vote-buying

Tiniyak ng Commission on Election na bibigyan ng proteksyon ang mga lalabas para tumestigo sa mga reklamo ng vote buying noong nakaraang halalan.

Giit ng poll body, bibigyan ng legal immunity ang mga nagbenta ng boto sakaling sila ay magsalita.

Dahil dito, wala umano dapat na ikabahala ang mga magsisiwalat hinggil sa naturang mga alegasyon.

Sa ngayon, may mga tinutulungan ang Integrated Bar of the Philippines hinggil sa naturang mga reklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *