Poll protests na natanggap na ng Comelec, umaabot na sa 30

Nakatanggap na ang Commission on Elections ng halos 30 election protests mula noong May 23.

Ayon kay Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco, lahat ng mga ito ay dina-docket at nire-review na nila.

Hindi na idenetalye ni Laudiangco kung anung mga posisyon ang apektado ng naturang mga protesta, pero sinabi nitong saklaw ng Comelec’s jurisdiction ang city, provincial at regional posts.

Samantala, nagkomento rin ang naturang opisyal kaugnay sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga party-lists, at sinabing hindi na ito ang iniisip ng commission.

Dagdag nito, na kung mapapansin ng lahat, ang mga kwalipikadong party-lists ay kasama sa balota, habang ang mga nakakuha ng temporary restraining order mula sa Supreme Court, ay isinama rin.

Pero sa kabila nito, magpapatuloy naman ang imbestigasyon sa mga pending na kaso, anuman ang maging resulta ng halalan, dahil ito umano ay inihain sa poll body.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *