Pondo para mapaayos ang mga paaralan na sinira ng bagyong “odette”, aprob kay VP/ Secretary Duterte- Cong. Salvame

Masayang ibinalita sa mga kababayan ni 1ST District Congressman Edgardo “Egay” Villagracia Lim Salvame na aprobado na kay Vice President DepEd Secretary Sara Duterte ang hiling na pondo para sa kanyang Distrito.

Ito ay pondo para sa pagsasaayos ng mga nasirang silid- aralan dahil sa bagyong “Odette” at hiling na bagong classroom ng mga humihiling na paaralan.

Sa official facebook page ng mambabatas ay kanyang inanunsyo na inaprubahan ang pondo ng Department of Education sa kongreso.

Noong buwan ng Hunyo pa aniya nakipag-ugnayan ang kanyang opisina sa Dep Ed Division Office para sa listahan ng mga eskwelahang napinsala ng bagyo para tiyakin aniya na maisasama ito na mapondohan sa susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *