Nadagdagan pa ng 244.1 million pesos ang inilaang pondo ng pamahalaan para suportahan ang programa ng Department of Labor and Employment o DOLE na SPES o Special Program for Employment of Students sa taong 2024.
Sa ulat ng Department of Budget and Management o DBM, itinaas sa 828.9 million pesos ang panukalang budget ng SPES sa 2024 National Expenditure Program.
Layon nitong suportahan ang 99, 983 na kabataang Pilipino.
Mababatid na sa Fiscal Year 2023 General Appropriations Act, nasa 585.8 million pesos ang inilaan sa SPES kung saan 72,109 ang naging benepisyaryo nito.