Local News

“Poor” sa Bicol Region, umabot na sa 500K- DSWD

NAGA CITY- Umaabot na sa mahigit 500K ang identipikado at napasama sa List of Poor sa buong Bicol region  base sa inisyal na listahan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office 5.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Joy Bellen III,  Project Development Officer IV ng nasabing ahensya, sa 1.1 Million na napasama sa unang assessment ng kanilang listahanan, mahigit sa 500K na ang identipikadong poor o naghihirap.

Ayon dito, Camarines Sur ang nananatiling may mataas na bilang dahil ito ang may pinakamalaking coverage.

Mas dumami rin ayon kay Bellen ang nakasama sa listahan ng kasalukuyang assessment.

Kung ikukumpara kasi sa nakalipas na datus ng DSWD, mayroon lamang na mahigit sa 800K na pamilya ang naisama ng ahensya.

Inaasahan naman nito na may mga pagbabago pa sa bilang. Maari pa itong bumaba o tumaas dipende sa magiging pinal na assessment ng ahensya.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago