Pope Francis, nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng lindol

Nag-alay ng panalangin at pakikiisa si Pope Francis para sa mga biktima ng lindol sa Morrocco, matapos maiulat ang libo-libong namatay at sugatan.

Sa kanyang pagsasalita sa St. Peter’s Square pagkatapos maihatid ang kanyang mensaheng Angelus, sinabi nitong idinadalangin niya ang napakaraming nasagutan at nawalan ng buhay, pati na ang mga naiwang pamilya nito.

Pinasalamatan din niya ang mga rescue worker sa kanilang pagsisikap na tulungan ang mga biktima ng lindol.

Dagdag pa ng Santo Papa na naninidigan ang simbahang Katoliko kasama ng mga tao ng Morocco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *