Populasyon ng China, bumagsak sa unang pagkakataon mula noong 1961

Bumagsak ang populasyon ng China noong nakaraang taon sa unang pagkakataon sa loob ng anim na dekada.

Ang naitalang pagbaba ay itinuturing na pinakamalala mula noong 1961.

Ayon sa National Bureau of Statistics ng bansa, ang populasyon ng China ay bumaba ng humigit-kumulang 850,000 hanggang sa mahigit sa isang bilyon sa pagtatapos ng 2022.

Nakikita naman ng mga eksperto mula sa United Nations na liliit pa ang populasyon ng China ng 109 million sa pagsapit ng 2050.

Naitala rin ng China ang pinakamababang bilang ng birth rate noong 2021 na may 6.77 na kapanganakan lamang sa bawat 1,000 katao.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *