Pork cartel makikinabang sa mas mataas na minimum access volume

Nagbabala ang ilang mga senador at eksperto na tanging ang mga cartel lamang ng pork importers ang makikinabang mula sa P60-billion na inaasahang kita mula sa desisyon ng gobyerno na babaan ang presyo ng baboy sa pamamagitan ng pagpapataas ng minimum access volume.

Sinabi rin nila na imbis na mapababa ang presyo ng baboy ay posible lang ito humantong sa collapse ng local hog industry.

Nabanggit ang nasabing babala sa pagbubukas muli ng Senate committee of the whole inquiry kaugnay sa umano’y kurapsyon sa pork imports ng bansa.

Doon ay sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na mahalaga ang Executive Order 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpababa sa pork tariffs, bilang isang temporary measure na pipigil sa tumataas na presyo ng baboy at involuntary hunger

Nilinaw rin ni Dominguez na wala naman pumipilit sa mga tao na mag-angkat ng 400,000 MT ng baboy matapos itong matanong ni Senate President Vicente Sotto III kung bakit sobra-sobra ang itinaas ng MAV kung ikukumpara ito sa 100,000 MT na inirekomenda ng hog industry at ng mga eksperto mula sa Department of Agriculture.

Ipinunto ng kalihim na wala naman mag-aangkat ng baboy kung wala naman demand para rito.

Ipinunto naman ni Senator Cynthia Villar, chairwoman ng committee on agriculture and food na hindi dapat maliitin ang mga cartel dahil kokontrolin pa rin nila ang presyo kahit gaano pa ito kababa.

Samantala, nababahala naman si Chester Warren Tan ng National Federation of Hog Farmers na posibleng ma-wipe out ang natitirang players ng local industry na nahihirapan na ngayon dahil sa importasyon ng 400,000 MT ng baboy. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published.