Porn at scam sites, hindi palulusutin sa free wifi sites ng DICT

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology o DICT na hindi makalulusot ang mga porn sites, scam sites at ang tinatawag na command and control sites sa mga free wifi sites ng pamahalaan.

Ayon kay DICT Usec. jeffrey Ian Dy, prayoridaf nilang mapangalagaan ang mga kabataan laban sa illegal websites.

Paliwanag ni Dy, karamihan ng mga free wifi sites ng DICT ay ikinakabit sa mga paaralan, kaya kadalasang nakakagamit nito ay mga kabataan.

Nabatid na sa ilalim ng Philippine Digital Infrastructure Project o PDIP, magtatayo ng mahigit 700 free wifi sites sa bansa.

Ang mga free wifi sites na ito ay direktang naka konekta sa server ng DICT kaya madali nilang mamonitor kung nagagamit ito sa illegal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *