Pornhub kinasuhan dahil sa pagpalabas ng mga non-consensual sexual content

Nahaharap ngayon sa asunto ang isang online adult entertainment platform dahil sa mga video na nagpapakita ng rape, child sexual exploitation, trafficking, at mga non-consensual sexual content.

Inaakusahan ng ilang mga kababaihan ang Pornhub at parent company nito na MindGreek, na umano’y isang “classic criminal enterprise” na may business structure para i-monetize ang mga nonconsensual sexual content o ang mga video na walang pahintulot sa mga taong sangkot.

Isa mula sa 34 mga nagrereklamong kababaihan ang nagsabi na dahil sa naipost na video sa Pornhub na walang pahintiulot mula sa kanya ay nasira ang kanyang buhay.

“It is time for the companies and individuals who have profited off of nonconsensual and illegal content be held liable for their crime,” saad ng hindi pinangalanang reklamante.

“I joined the lawsuit because I seek justice for myself and the countless victims who don’t come forward.”

Ayon kay Michael Bowe, abogado ng sinasabing mga biktima, ang online pornography industry umano ay nagpapatuloy sa operasyon na parang ‘old-school red-light district of commerce’ kung saan ang mga batas na dapat ipatupad ay hindi ipinapatupad.

“This is a case about rape, not pornography,” ayon sa nakasaad sa reklamo.

Nabatid na ang MindGeek ay nagmaymay-ari ng mahigit 100 pornographic websites, production companies at mga brands kabilang na ang Pornhub, RedTube, Tube8 and YouPorn.

Sa mga platforms ito tinatayang nakakakuha ang kompanya ng 3.5 billion views per month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *