Ports Authority, nagbabala sa publiko kaugnay sa ‘package delivery scam’

Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko kaugnay sa ‘package delivery scam’.

Ito’y matapos makatanggap ang PPA ng mga reports kung saan ginagamit ang kanilang pangalan at logo sa mga fake sales invoices.

Hinihingan umano ng mga suspek ang biktima ng malaking halaga ng pera para sa tax at delivery fees bago makuha ang package.

Samantala, hinimok ng ahensya ang mga Pilipino na mag-ingat sa mga ganitong klase ng modus at transaksyon. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *