Poser ni Abalos nakuhaan ng P140K ang 2 gobernador at 3 alkalde

Arestado ang isang nagpapanggap na si Interior Sec. Benhur Abalos para makakuha ng pera sa pamamagitan lang ng tawag sa telepono.

Kabilang sa mga nabiktima ng sindikatong grupo ay ang 2 gobernador at 3 alkalde.

Bahagi ng modus ng grupo ni Edison Moltealto ang paghingi ng pera sa mga tinatawagang politiko.

Paglilinaw ni Sec. Abalos wala siyang staff na nagngangalang Larry Abalos at kailanman ay hindi siya ng hihingi ng pera kanino man.

Opisyal ng gobyerno ang karamihang target ng grupo dahil madali lang makuha ang mga numero nito.

Sinampahan ang suspek sa paglabag sa Anticrime Law kabilang ang reklamong identity theft at Staffa.

Tukoy na rin ang mastermind ng grupo ngunit patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang lawak ng mga nabiktima ng grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *