Posibleng dahilan ng social media outages, inilatag ng ilang security experts

Humingi ng paumanhin ang social media giant na Facebook matapos makaranas ng anim na oras na outages hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng mundo.

Maliban sa Facebook, bumagsak din ang serbisyo ng Instagram at WhatsApp.

Wala pa naman inilalabas na rason ang Facebook kung bakit ilang oras hindi ma-access ang naturang social media platform.

Ito na umano ang pinakamatagal na outage na naranasan ng isang major internet firm.

Ayon naman sa ilang security experts posibleng nagkaroon ng problema sa Domain Name System (DNS).

Paliwanang ng Cisco’s internet analysis division na ThousandEyes maaring nagkaroon ng DNS failure.

Ang DNS umano ang nagtra-translate ng mga pangalan ng mga websites para maging IP address.

Tinatawag din ang DNS bilang “phonebook of the internet.”

Samantala unti-unti namang bumabalik online ang mga social apps na pansamantalang hindi na-access ng publiko. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *