NAGA CITY – Inaanyayahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang mga employer, maliit o malalaking negosyo man at maging ang mga manggagawa sa gaganaping Regional Tripartite Wages and Productivity Board Public Consultation sa Setyembre 26, 2023 sa isang Lotus Blu Hotel sa Naga.
Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga kay Johana Gasga, tagapagsalita ng ahensiya sa rehiyon sinabing layunin ng konsultasyon na malaman ang sentimyento ng mga employer at empleyado na may kaugnayan sa usaping sahod.
Dadaluhan rin ito ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang maipaliwanag sa mga partisipante ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya upang maassess kung kailangan na magkakaroon ng pagtaas sa sahod at kung ilan ang kaya, ilan ang posible o ilan ang kailangan.
Gagawin rin ang nasabing konsultasyon sa iba pang bahagi ng rehiyon tulad ng Masbate na gaganapin sa Setyembre 22, at sa Daet naman sa Setyembre 27. Itatakda din ang public hearing sa Legazpi upang maipresenta ang mga hinihingi ng mga manggagawa at negosyante.
Sa kasalukuyan P365 ang minimum wage