Posiblidad na hindi na libre ang bakuna sa susunod na taon, nagtulak sa ilan na magpabakuna sa Naga

NAGA CITY- Dinagsa ang tatlong vaccination sites para sa adult population sa unang araw ng National Vaccination Days sa Naga City.

Kahit na nga prayoridad ang mga empleyado sa Naga binukasan ang Dona Clara Covered Court sa Concepcion Pequeña, Mega vaccination facility na Jesse M. Robredo Coliseum at SM City Naga para mga walk in na mga residente ng lungsod.

Ilan sa mga nakausap ng BNFM ang nagsabing magpapabakuna sila dahil vaccination card na ang hinihingi sa mga restaurants at iba pang kainan, may mga pagbabaturok din bilang protection sa bagong variant habang ang iba ay sa paniniwalang hindi na libre ang bakuna sa susunod na taon. Tulad na lamang ng 46-anyos na Jenny Gurubat, sa pagkakaalam niya aniya ibebenta na ang bakuna sa 2022, mas magaan na kung libre. Ganito rin ang nasa isip ng kasama ni Jenny na mag-aapply abroad.

Kailan lamang ng sabihin ni Food and Drug Administration Director-General Eric Domingo na may full authorization na mula sa FDA ang COVID-vaccines sa pagsisimula ng 2022. Subalit wala pa namang drugmaker ang nag apply ng full market authorization. Kung may full authorization na maaari nang ibenta ang bakuna sa mga drug stores.

Samantala, 380,000 katao ang target sa Bayanihan Bakunahan sa Camarines Sur. Ang mga LGUs idinaan sa clustering ng mga barangay ang vaccination rollout para sa mas organisadong aktibidad. Sa huling tala noong nagdaang linggo 39.26% na ng target population sa lalawigan ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *