Positioning para sa 2028 presidential elections, nagsimula na – Lagman

Nagsimula na umano ang positioning at laban para sa 2028 elections bago pa man ang 2025 mid-term elections.

ito ang paniniwala ni Liberal Party at Albay Rep. Edcel Lagman sa nangyayari ngayon sa Kamara.

Sinabi ito ni Lagman sa gitna ng ‘power play at intramurals’ ng Lakas-CMD.

Ayon sa mambabatas, ang pag-alis kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior Deputy Speaker at ang kasunod na pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa naghaharing Lakas-Christian Muslim Democrats“are obviously related.”

Dagdag niya, sina Arroyo at Duterte ay “principal conspirators” sa pagtanggal bilang Speaker kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez noong 2018. Si Arroyo ang pumalit kay Alvarez.

Dahil sa mga kaganapan na ito, ang LP aniya ay maingat na magbabantay sa development ng pagbabago sa ihip ng pulitika sa kamara.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *