National

Positive results sa Red Cross saliva tests, isasama na sa daily COVID-19 case count

Naglabas na ng memorandum ang Department of Health na “retroactively” na isama ang mga resulta ng saliva test sa COVID-19 daily case count.

Kaugnay nito, inatasan ang Disease Reporting Units (DRUs) laboratories, health facilities, at Epidemiology Surveillance Units (ESUs) na isama ang lahat ng official laboratory results simula noong January 21, 2021, mula sa DOH-accredited Philippine Red Cross (PRC) COVID-19 Testing Laboratories sa daily census ng COVID-19 cases.

Sa gitna nito, pinaalalahanan ng DOH ang PRC na tiyaking nakalagay ang tamang specimen type sa kanilang mga isusumite sa COVID-19 Information Systems at sa corresponding Case Investigation Forms and Individual Laboratory.

Batay sa PRC, ang saliva test na mas mura at mabilis na alternatibo ay may accuracy rate na 98.11 percent sa pagdetect ng SARS-COV 2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

1 day ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

1 day ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

1 day ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

1 day ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

1 day ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

1 day ago