Positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba sa 14.3%

Bahagyang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research.

Mula sa tuloy-tuloy na pagtaas ng naitatalang kaso noong nagdaang mga araw, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba na ang positivity rate sa 14.3% mula sa 14.5% noong December 11.

Ayon kay David, ito ay hudyat na ang infection sa National Capital Region (NCR) ay bumabagal na.

Sa kabila ng pagbaba ng positivity rate, inabisuhan niya publiko na mag-ingat pa rin sa naturang virus.

Sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), masasabing under control ang pagkalat ng virus kung ang positivity rate sa bansa ay aabot sa 5% o mas mababa pa.

Ang positivity rate ay ang bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo matapos magpa-test ng COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *