Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, bahagyang tumaas

Nakapagtala ang OCTA Research ng bahagyang pagtaas sa reproduction rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA fellow Guido David, mayroong mabagal na pag-angat sa bilang ng mga kaso na naitatala sa National Capital Region.

Mayroon umanong pagtaas ng 1.4% sa positivity rate; habang 1.08 naman ang itinaas sa reproduction number.

Sa kabila nito, nananatili pa rin sa ‘low risk’ classification ang Metro Manila.

Sa pinakahuling bulletin ng Department of Health, nakapagtala ito ng 200 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mas mataas ito sa average na 173 infections noong nakaraang linggo.

Nananatili naman sa 2,434 ang bilang ng mga akbitong COVID-19 cases as Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *