PPA, inaalam na ang consignee ng container van na may dalawang bangkay na dumating sa Thailand mula sa Pilipinas

Inaalam na ng Philippine Ports Authority o PPA sa Bureau of Customs ang consignee ng container van na dumating sa Thailand mula sa Pilipinas at may natuklasang dalawang bangkay kamakailan.

Ito’y makaraang Ipag-utos ni PPA general ma­nager Jay Santiago ang imbestigasyon ukol dito.

Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, patuloy na kinikilala ang dalawang biktima na isang lalaki at isang babae.

Sinabi ni Samonte na ininspeksyon naman sa Port of Manila ang container at idineklarang walang laman ngunit pagdating ng Thailand nitong Oktubre 2 ay dito bumulaga ang dalawang bangkay.

Ito rin aniya ang rason kung bakit isinusulong ng PPA ang container monito­ring system- para namomonitor kung saan napupunta ang mga container.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *