CAMARINES NORTE – Nakatutok din ngayon ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga posibleng paglabag ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong kampanya.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Marissa Bernardo, Diocesan Lay Coordinator ng PPCRV sa Diocese of Daet, binabantayan umano nila ang mga posibleng paglabag sa campaign rules tulad ng paglalagay ng mga campaign materials sa mga hindi designated common poster areas at kung nasa tamang sukat ba ang mga ito.
Kapansin- pansin naman umano na tila mas tahimik ngayon ang kampanya kumpara noong mga nagdaang BSKE.
Sabi ni Bernardo mas aware ngayon ang mga kandidato lalo na sa Committee on Kontra Bigay na binuo ng Commission on Elections na isa sa mga miyembro ay ang PPCRV.
Noong Sabado ay nagkaroon ng final briefing ng PPCRV Parish Coordinators na ginanap sa Our Lady of Peñafrancia Parish Church dito sa bayan ng Daet.
