PPCRV puspusan na ang paghahanda para sa Barangay at SK Elections

CAMARINES NORTE – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na October 30.

Noong Sabado ay nagsagawa na ng final briefing ng PPCRV Parish Coordinators na ginanap sa Our Lady of Peรฑafrancia Parish Church dito sa bayan ng Daet.

Kabilang sa mga tinalakay ay kung ano ang gagawin ng mga volunteers sa mismong araw ng election at ang higit na binigyang pansin ay ang tungkol sa vote buying at vote selling na talamak tuwing eleksyon.

Ayon kay PPCRV Diocesan Lay Coordinator Marissa Bernardo ng Diocese of Daet,ย  kahit noong wala pang Comelec Resolution patungkol sa komite ng kontra bigay ay maigting na talaga ang kampanya ng PPCRV kontra sa vote buying at vote selling.

Pwede din umanong magsampa ng kaso ang kanilang mga volunteer kung may makikitang paglabag sa eleksyon laws lalo na ang pamimili ng boto.

Nanawagan naman ang PPCRV kapwa sa mga botante at kandidato na itaguyod ang isang malinis at mapayapang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *